Pagpapahalaga Sa Sarili Essays

Sa mga panahong sinusulat ng inyong lingkod ang sulating ito, lumipas na ang buwan kung saan ating ipinagdiwang ang paggunita sa ating “Kalayaan” at sa loob naman ng kulang-kulang sa isang buwan ay ipagdiriwang natin ang Buwan ng ating Wikang Pambansa.

Ang layunin ng sulatin na ito, tulad ng nabanggit sa pamagat, ay kung paano na maaaring ang dalawang elemento na ito, kahit sa mumunting mga pamamaraan ay magdulot ng pagbabago at kaunlaran sa ating bansa.

Sa mga panahon na ito ay may katagalan na buhat nang dumalaw ang Santo Papa Francis sa ating bansa. Isa sa mga naaalala ko ay kung paano niya binigyan ng paghahambing sa isang panayam kung paano siya sinalubong sa bansang Sri Lanka at dito sa ating bansa. Sa aking natatandaan, nabanggit ng Santo Papa na sa bansang Sri Lanka sinalubong siya sa pamamagitan ng mga ethnic dances at iba pang may patungkol sa kanilang kultura samantalang dito sa ating bansa ay sa pamamagitan ng pop music at mga sayaw. Para sa inyong lingkod, masasabi na ito ay isang panawagan na rin o wake up call sa ating mga Pilipino na ipagmalaki at pahalagahan naman natin ang ating kultura.

Aminin na natin, masakit pero totoo, na tayong mga Pilipino ay nagiging westernized o napapairal ang Colonial Mentality sa iba’t- ibang mga pamamaraan.

Sa pagbili at pagtangkilik ng mga produkto, binibili ba natin ang mga produktong gawang sariling atin o yung mga stateside? Ang ating mga palabas sa telebisyon, may mga ideyang galing sa kanluran o sa ibang bansa at nilalagyan lamang ng salitang Pinoy o kaya Pilipinas para magawan ng sariling bersyon. Panay na rin ang import ng mga koreanovela, tsinovela, at anu pa mang mga nobela galing sa ibang bansa. Kahit ang mga tugtugin sa radyo at mga music channels sa ating bansa ay pinamamayagpagan ng mga banyaga.

Sa social media, panay din ang paggamit natin ng salitang ingles upang magmukhang may pinag-aralan tayo, yun nga lang minsan sumasablay. Mali ang spelling, pati ang pagkakabuo ng mga
pangungusap eh mali. Tunay naman na ang mga Pilipino ay isa sa mga bihasa pag dating sa paggamit ng wikang ito, pero sana ating tandaan ang sinabi ng ating pambansang bayani na ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa ang malansang isda. Paumanhin na rin po kung ang inyong lingkod ay hindi maiwasang gumamit din ng wikang ingles sa mga akda, sadyang may ilang mga terminolohiyang mahirap isalin sa ating sariling wika.

Ito marahil ang pagkakaiba natin sa ibang mga kalapit bansa sa ating kontinente at rehiyon. Ang mga bansang ito, hindi naman maikakaila na sila ay maunlad, sa katunayan pa nga ang ating mga kababayan ay nagpupunta sa mga bansang ito upang magtrabaho at maghanap-buhay dahil na rin sa kadahilanang mas malaki ang sweldo roon, tanda ng kaunlaran ng mga bansang ito. Ang mga bansang tinutukoy, napakalalim ng kanilang pagpapahalaga sa kanilang kultura. Ipinagmamalaki nila ang kanilang kultura at mga pamana. Ang mga antigo o ancient na mga templo at mga istruktura, kanilang binibigyang halaga at pinangangalagaan para sa mga susunod pang salinlahi, na siya pang nagiging atraksyon o mga tourist destinations. Samantalang dito sa
atin, tila nilalapastangan na ang mga bantayog ng ating mga bayani. Dito na lamang sa aming lokalidad, isang lumang istruktura ang giniba upang ipatayo ang gusali ng isang paaralan.

Ang ilang mga palabas na teleserye mula sa ibang bansa sa rehiyon, hindi ba’t may mga tema na patungkol sa kasaysayan ng bansang iyon? Ang setting, plot, location at kahit na mga costume at props ay nagpapakita ng mayamang kasaysayan ng mga bansang iyon? Ang isang noontime show pa nga, laging may segment kung saan ipinapakita ang national costume ng isang banyagang bansa. Samantalang tayo, dadalo sa mga kasalan, hindi na barong tagalog ang suot, coat-and-tie na. Tuwing kelan lamang din natin naipamamalas ang ating pambansang kasuotan, tuwing buwan ng Kalayaan at buwan ng wika na lamang?

Ang isang malaking bansa sa ating kontinente, (hint: yung nambu-bully sa atin), mayroon silang sariling bersyon ng isang sikat na social media (yung pang-tweet) at pang-video call at hinihikayat nila na iyon ang kanilang gamitin. Mayroon din silang sariling brand ng smartphone na masabing sariling bersyon nila ng tanyag na brand ng smartphone (yung may mansanas). Sabihin nang mga gaya-gaya o 2nd-rate-trying-hard-copycat, hindi rin naman maikakaila ang kanilang pagtangkilik sa sarili nilang likha. Sana, ito rin yung diwa na manalaytay sa bawat isa sa atin. Ang pagtangkilik sa kung ano ang sariling atin.

Nabasa ko pa nga sa isang news site sa internet na ang bansang ito ay tila ipinagbabawal ang pagdiriwang ng kapaskuhan sa kanilang bansa. Bilang isang Kristyano, siyempre nakaka-offend ito. Pero sa kabilang banda, ang dahilan nila ng pagbabawal o hindi paghikayat sa pagdiriwang nito ay sa pangambang makalimutan na ng mga mamamayan ng bansang ito ang mga tradisyon at kultura ng ibang bansa. Sa madaling salita, ayaw nilang panghimasukan ng maka-kanluraning bansa ang kanilang kultura.

Isama pa rin natin dito ang pagmamahal sa sariling bayan. Ang tanong – tunay ba sa ating mga diwa sa tuwing sinasabi natin na ipinagmamalaki natin ang ating pagiging Pilipino at minamahal natin
ang ating bansa?

Minsan nabasa ko sa social media ang isang sanaysay ng isang banyagang estudyante mula sa ating kontinente at rehiyon. Mukha namang lehitimo at totoo ang sulatin na iyon. Nabanggit sa sanaysay na iyon kung paano daw humahanga ang lahi nila sa ating bansa at mga Pilipino dahil sa likas na kayamanan at kagandahan ng ating bansa. (Tila baliktad na yata ngayon, tayo na ang masugid na humahanga sa kanila). Dahil sa matinding kahirapan na dinaranas ng kanilang bansa noon, ang kanilang mga propesyonal ay namasukan at nagtrabaho sa ibang bansa. Nang makatanggap ng pautang ang kanilang bansa mula sa isang banyagang bansa ay ginamit nila ito ng upang makapagpatayo ng mga pabrika at pagawaan sa kanilang bansa. Habang unti-unting yumayabong ang industriya sa kanilang bansa, ang kanilang mga propesyonal ay bumalik sa sinilangang bayan upang dito na magtrabaho, malamang bitbit pabalik ang mga kalinangan mula sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Bagamat higit na maliit ang sweldo kumpara sa pagtatrabaho sa ibang bansa, ginawa nila ang kanilang trabaho para sa ikauunlad ng kanilang bansa. Sa ating bansa, tila kabaliktaran nga yata ang nangyayari. Ang ating mga propesyonal nagtatrabaho sa ibang bansa, hindi rin naman masisisi dahil dala ng pangangailangan at “for economic reasons”, at hanggang sa maging mamamayan na sila ng bansang pinagtatrabahuhan (hindi naman lahat, pero hindi makakaila na ganito ang ginagawa ng iba).

(Para po sa pinagmulan at kabuuang konteksto ng binanggit na sanaysay, maaaring tingnan dito: http://www.phrasebase.com/archive2/philippines/essay-from-korean-student.html)

Hindi ba’t ang isa sa mga tinatangkilik na brand ng TV, cellphone at electronics ay nagmula sa bansang tinutukoy sa sanaysay?

Hindi ba’t may mga pagkakataon, na sinasabi sa atin, o hindi kaya naririnig natin, “Mag-abroad ka, gaganda ang buhay mo roon!”? May katotohanan, hindi maikakaila, sa laki ba naman ng sweldo roon eh sa malamang at sa totoo eh giginhawa ka.

Ang mensahe ng sanaysay: mahalin natin ang ating bansa, ang ating INANG BAYAN. Hindi nga ba’ tayo, bilang kanyang mga mamamayan, ang kauna-unahan at kahuli-hulihang magmamahal at magtatanggol sa kanya. Hindi nga ba’t ang huling pangungusap ng ating pambansang awit: Ang mamatay nang dahil sa’yo?

Siguro, hindi naman masamang pangarapin at isipin, kung ang bawat isa sa atin, as in BAWAT ISA, ay magpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa ating INANG BAYAN, at magpapahalaga sa ating kultura at mga pamana, ay baka mag-iba ang takbo ng ating bansa. Isang pagtakbo na, kahit sa mumunting pamamaraan, patungo sa kaunlaran.

Hanggang sa muli, Maraming Salamat Po! Mahalin natin ang ating Bansang Pilipinas!

About DoctorDoom16

An aspiring author, musically inclined and depressed cook and dubber.

  • Change is coming… nga ba?- October 3, 2016
  • Luhong Wala Sa Lugar- August 18, 2015
  • Pamantayang Pamatay at Pampatayan- August 17, 2015
  • Pagmamahal sa Bayan at Pagpapahalaga sa Kultura at Pamana- July 10, 2015
  • Political Drama at Ang “Kaawa-awang kalagayan” ng ating bansa- July 7, 2015
  • Showbiz is Politics; Politics is Showbiz- June 19, 2015
  • Tipikal o Tunay na Pilipino – Saan ka kabilang?- June 16, 2015
  • Mahirap ang Pilipinas at ang mga Pilipino- June 12, 2015
  • Alam mo ba ang Quezon’s Code of Citizenship and Ethics?- June 10, 2015
  • Throwback – My Childhood (late 80s to early 90s)- June 4, 2015

Ang pagpapahalaga sa sarili, pagpuri sa sarili, pagmamahal sa sarili, pag-estima sa sarili, o pag-ibig sa sarili (Ingles: self-esteem) ay isang katagang ginagamit sa sikolohiya upang ipamalas o ipasalamin o ipakita ang pangkalahatang pagsusuring pandamdamin ng isang tao. Isa itong paghatol sa sarili pati isang kaasalan sa pagharap sa sarili. Ang labis na pagpapahalaga sa sarili ay maaaring humantong sa pagkapalalo o kapalaluan.

Paglalarawan[baguhin | baguhin ang batayan]

Binubuo ang pagpapahalaga sa sarili ng mga paniniwala (halimbawa na ang pagsasabi ng "Mabisa ako", "Magaling ako", "Ako ay mahusay" o "Ako ay nararapat") at mga damdaming katulad ng pananagumpay, kawalan ng pag-asa, pagmamalaki at kahihiyan.[1] Binigyan ito ng kahulugan nina Smith & Mackie sa pamamagitan ng pagsasabi na: ang diwa ng sarili ay ang kung ano ang iniisip natin hinggil sa sarili; ang pagpapahalaga sa sarili ay ang mga pagsusuring positibo at negatibo ng sarili, katulad ng kung paano ang nararamdaman natin hinggil dito.[2] Nakikilala rin ang pagpapahalaga sa sarili bilang ang dimensiyong pangsuri o pantimbang ng sarili na kinabibilangan ng mga damdamin ng pagkanararapat, mga dangal o orgulyo (pagmamalaki) at paghina ng kalooban (pagkasira ng loob).[3] Ang pagpapahalag sa sarili ng isang tao ay malapit ding mayroong kaugnayan sa kakimian.[4]

Bilang kalagayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pagpapahalaga sa sarili ay isang disposisyon (katayuan o kalagayan) na ang isang tao ay mayroon ng kumakatawan o representasyon ng kanilang mga paghatol sa kanilang sariling mga pagkanararapat.[5] Noong kalagitnaan ng dekada ng 1960, binigyan ng kahulugan ni Morris Rosenberg at ng mga teorisya ng pagkatuto at ng lipunan ang pagpapahalaga sa sarili bilang isang pansarili o personal na pagpapahalaga (kahalagahan) o pagkanararapat.[6] Noong 1969, binigyang kahulugan ni Nathaniel Branden ang pagpapahalaga sa sarili bilang: ang karanasan ng pagiging maaasahan (o may kakayahan) na makaangkop o makibagay sa saligang mga hamon ng buhay at pagiging nararapat na lumigaya. Ayon kay Branden, ang pagpapahalaga sa sarili ay ang kabuoan o katuusan ng pagtitiwala sa sarili na isang damdamin ng kakayahang personal, at ang paggalang sa sarili ay ang damdamin ng halagan ng sarili o kahalagahang pansarili. Umiiral ito bilang resulta ng isang lubos na pangangatwiran na ang bawat isang tao ay mayroong kani-kaniyang kakayahan na harapin ang mga hamon ng buhay, na makaunawa at makalutas ng mga suliranin, at ng kanilang karapatan na matamo ang kaligayahan, at mabigyan ng paggalang o respeto.[7]

Kaugnayan sa lipunan at sikolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Bilang isang kayariang panlipunan (pakikisalamuha) at pangsikolohiya, nakakaakit ang pagpapahalaga sa sarili dahil nabigyang diwa ito ng mga mananaliksik bilang isang maipluwensiyang panghula ng may kaugnayang mga kinalabasan o resulta, katulad ng pagtatamo na pang-akademiya (Marsh 1990) o ugali ng pagsasagawa (Hagger et al. 1998). Bilang karagdagan, ang pagpapahalaga sa sarili ay isinaalang-alang din bilang isang mahalagang kinalabasan dahil sa kaugnayan nitong malapit sa kagalingan, kapakanan, o kabutihang pangsikolohiya (Marsh 1989). Ang pagpapahalaga sa sarili ay espesipikong mailalapat sa isang partikular na dimensiyon (halimbawa na sa pagsasabi ng "Naniniwala ako na ako ay isang mabuting manunulat at nasisiyahan ako dahil dito") o isang dugtong na pangglobo (halimbawa na ang pagsasabi ng "Naniniwala ako na ako ay isang masamang tao, at hindi maganda ang pakiramdam ko sa aking sarili, sa pangkalahatan"). Karaniwang itinuturing ng mga sikologo ang pagpapahalaga sa sarili bilang isang walang maliw na katangiang ng personalidad ("katangian" na pagpapahalaga sa sarili), na bagaman normal, mayroon ding umiiral na mga baryasyong panandalian ("katayuan" o "kalagayan" ng pagpapahalaga sa sarili).

Mga kasingkahulugan[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa mga kasingkahulugan o halos kasingkahulugan (malapit na singkahulugan) ng pagpapapahalaga sa sarili ang: pagkanararapat ng sarili o kahalagahan ng sarili,[8]pagsasaalang-alang sa sarili (kasama na ang mga layuning pansarili), pati na ang paggalang sa sarili o pagrespeto sa sarili[9][10][11] at integridad ng sarili (kalinisang-budhi ng sarili, dangal ng sarili, katapatan sa sarili, karangalan ng sarili, o kagitingan ng sarili[12]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. ↑Hewitt, John P. (2009). Oxford Handbook of Positive Psychology. Oxford University Press. pp. 217–224. 
  2. ↑E. R. Smith/D. M. Mackie, Social Psychology (2007) p. 107
  3. ↑Newman, Barbara M., at Philip R. Newman. Development through Life: A Psychosocial Approach. Homewood, IL: Dorsey, 1975. Print.
  4. ↑Schacter, Daniel. L "Psychology"
  5. ↑Olsen, J.M., Breckler, S.J., &Wiggins, E.C. (2008). Social Psychology Alive(unang edisyon) Canada:Nelson.
  6. ↑Baumeister, Smart, & Boden, 1996
  7. ↑Nathaniel Branden. Cómo mejorar su autoestima. 1987. Versión traducida: 1990. 1ª edición en formato electrónico: enero de 2010. Ediciones Paidós Ibérica. ISBN 978-84-493-2347-8.
  8. ↑"self-worth": na binigyan ng kahulugan bilang "self-esteem; self-respect" sa The American Heritage Dictionary of the English Language: ika-4 na edisyon, 2000. Online sa http://www.bartleby.com/61/58/S0245800.html. Nakuha noong 15 Nobyembre 2007.
  9. ↑"self-regard", na may kahulugang "consideration of oneself or one's interests; self-respect" na nasa The American Heritage Dictionary of the English Language: ika-4 na edisyon, 2000. Online na nasa http://www.bartleby.com/61/18/S0241800.html. Nakuha noong 15 Nobyembre 2007.
  10. ↑"self-respect", na may kahulugang "due respect for oneself, one's character, and one's conduct" (nakalaang paggalang sa sarili, sa sariling katangian, at sa sariling asal) na nasa The American Heritage Dictionary of the English Language: ika-4 na edisyon, 2000. Online na nasa http://www.bartleby.com/61/23/S0242300.html. Nakuha noong 15 Nobyembre 2007.
  11. ↑The Macquarie Dictionary. Ihambing sa The Dictionary of Psychology ni Raymond Joseph Corsini. Psychology Press, 1999. ISBN 1-58391-028-X. Online sa pamamagitan ng Google Book Search.
  12. ↑Salin ng "self-integrity".

Leave a Comment

(0 Comments)

Your email address will not be published. Required fields are marked *